ARNAIZ-DE GUZMAN CASE | Mga pulis na sangkot, sinampahan ng kasong murder ng DOJ

Manila, Philippines – Sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong murder ang mga pulis ng Caloocan City na sangkot sa pagpatay sa teenagers na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” De Guzman.

Kabilang sa mga sinampahan ng DOJ ng murder case sa Caloocan City Regional Trial Court sina Police Officer 1 Jeffrey Perez at Police Officer 1 Ricky Arquilita.

Sinampahan din sina Perez at Arquilita ng torture at planting of evidence sa ilalim ng Section 29 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 or Republic Act 9165 at Republic Act 10591 or Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.


Absuwelto naman sa kaso ang taxi driver na si Tomas Bagcal na sinasabing hinoldap ni Carl.

Facebook Comments