ARNAIZ-DE GUZMAN CASE | Pagsasampa ng kasong murder sa 2 nasasangkot na pulis, suportado ng PAO

Manila, Philippines – Suportado ng Public Attorney’s Office (PAO) ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawang pulis-caloocan na dawit sa pagkamatay ng teenagers na sina Carl Arnaiz at Reynaldo ‘Kulot’ De Guzman.

Nabatid na inaprubahan ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng dalawang counts ng murder kina PO1 Jeffrey Perez at Ricky Arquilita.

Iginiit ni PAO Chief Percida Acosta, patunay lamang ito na hindi pinapayagan ang kahit anumang summary killing na ginagawa ng tauhan ng gobyerno.


Dagdag pa ni Acosta, pinatunayan din ng kaso na walang state-sponsored killings at nanaig ang hustisya.

Bukod sa murder, nahaharap din ang dalawang pulis sa kasong planting of evidence at paglabag sa anti-torture law.

Facebook Comments