Monday, February 9, 2026

Arraignment ni ex-Sen. Bong Revilla Jr. at mga kapwa-akusado, ipagpapatuloy ngayong araw

Ipagpapatuloy ngayong araw ang arraignment at pre-trial nina dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. at mga kapwa akusado nito mula sa DPWH-Bulacan First District kaugnay sa 92.8 million pesos na ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Matapos na pansamantalang ipagpaliban ito ng korte upang bigyang daan ang mga nakabinbing mosyon at oras para makapagkomento ang mga prosekyusyon tungkol sa mga inihaing mosyon.

Haharap mamayang alas-8:30 ng umaga sa Sandiganbayan Third Division si Revilla at mga co-accused nito para sa kasong Malversation.

Pagtapos nito ay haharap din sila sa Fourth Division ng Sandiganbayan mamayang hapon para naman sa kasong graft kung saan una nang nakapagpiyansa si Revilla.

Samantala, matatandaan na hindi pinagbigyan ng korte ang mosyon ng kampo ni Revilla na mailipat siya sa kustodiya ng PNP mula sa New Quezon City Jail sa Payatas kung s

Facebook Comments