Arraignment ni Sen. de Lima, muling ipinagpaliban

Manila, Philippines – Muling ipinagpaliban ni Muntinlupa RTC Branch 205 Judge Amelia Fabros-Cruz ang arraignment o pagbasa ng sakdal laban kay Sen Leila de Lima.

Ayon kay Atty. Toni Tacordon isa sa mga legal counsel ni De lima hindi pa naaaksyunan ng korte ang mga nakabinbing mosyon ng Senadora kaya hindi muna tuloy ang pagbasa ng sakdal sa nakaditeneng mambabatas.

Paliwanag ni Tacordon, laman ng motion to admit amended information ng senadora.


Sa ngayon, hindi pa itinatakda ng korte kung kailan ang petsa ng arraignment ng Senadora.

Nahaharap ang mambabatas sa kasong may kinalaman sa illegal na droga dahil sa umano’y pamamayagpag ng drugs sa NBP nuong ito pa ang kalihim ng DOJ

Co-accused ni de Lima sa kaso ang sinasabing pamangkin nito na si Jose Adrian “Jad” Dera.

Facebook Comments