Manila, Philippines – Hindi muna itinuloy ng Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 47 ang arraignment o pagbasa ng sakdal sa kasong grave threat na kinakaharap ni Senator Antonio Trillanes.
Nabatid na ang kaso ay nag-ugat ng harapang kastiguhin ni Trillanes si Labor Undersecretary Jing Paras sa gitna ng senate session hall noong isang taon.
Sinabi ni Paras, apat na beses siyang pinagbantaan ni Trillanes sa loob lamang ng tatlumpung minuto, sinabihan din umano sya ni Trillanes na yayariin na para sa kanya ang ibig sabihin ay tatapusin o papatayin.
Ayon kay Atty. Reynaldo Robles legal counsel ni Trillanes ipinagpaliban muna ni Judge Glen Santos ang pagbasa ng sakdal sa Senador dahil mayruon pa itong nakabinbing mosyon sa korte.
Samantala, itinakda naman ng korte sa March 29 ang arraignment kay Sen. Trillanes.