Hindi natuloy kanina ang pagbasa ng sakdal o arraigment sa kasong cyber libel laban kay Rappler CEO Maria Ressa.
Kinuwestiyon ng kampo ni Ressa ang desisyon ng Korte kaugnay ng usapin ng subscription ng kasong cyber libel.
Ikinabigla ni Ressa ang pahayag ng korte na ang subscription para makasuhan ng cyber libel ay labing dalawang taong at hindi isang taon lamang.
Binigyan naman ng hukuman si Ressa ng hanggang April 26 para makapaghain ng motion for reconsideration.
Nag-ugat ang kaso ni Ressa sa artikulo ng Rappler hinggil sa pagpapagamit daw ni Businessman Wilfredo Keng sa sasakyan nito kay yumaong Chief Justice Renato Corona.
Facebook Comments