Arrest order laban kay dating PS-DBM Officer-in-Charge Lloyd Christopher Lao, nilagdaan na ni Senate President Tito Sotto III

Pinirmahan na ni Senate President Tito Sotto III ang arrest order laban kay Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) Officer-in-Charge Lloyd Christopher Lao.

Si Lao ay cited in contempt kahapon ng Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon, matapos na hindi nito muli siputin ang pagpapatuloy ng pagdinig ukol sa umano’y mga iregularidad sa pagbili ng PS-DBM ng pandemic supplies.

Sa ika-14 na Senate hearing ay isinulong ni Senator Francis Pangilinan na ma-contempt si Lao na sinegundahan naman ni Senator Risa Hontiveros at inaprubahan ni Senator Gordon.


Ayon kay Gordon, si Lao ay hindi sakop ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga miyembro ng gabinete na dumalo sa nabanggit na pagdinig ng Senado.

Tiniyak naman ni Senate Sergeant at Arms Retired General Rene Samonte na sa oras na mapasakamay nila ang arrest order ay agad nilang gagawin ang pag-aresto kay Lao.

Facebook Comments