Arrest Warrant kay Sen. Leila De Lima – kukwestyunin ng kampo ng Senador sa Korte Suprema, pagdinig sa inihaing Motion to Quash sa isa pang kinakaharap ng kaso – pinaglaban!

MANILA, PHILIPPINES – Maghahain naman ngayong araw ng motions to recall the warrant of arrest sa korte suprema ang mga abogado ni Sen. Leila De Lima.

 

Ayon kay atty. Bonifacio tacardon, isa sa mga legal counsel ng senadora – nais nilang maibasura at mabalewala ang arrest warrant na inilabas ni Muntinlupa RTC branch 204 Judge Juanita Guerrero.

 

Si Guerrero ang may hawak sa criminal case no. 17-165 at siyang nagpalabas ng arrest warrant laban kay De Lima, dating driver at boyfriend ng senadora na si Ronnie Dayan at dating National Bureau of Investigation Deputy Director Rafael Ragos.

 

Kaugnay nito, naniniwala ang kaalyado ni De Lima na si Liberal Party President. Sen. Francis Pangilinan na kaduda-duda ang naging proseso ng pagpapalabas ng arrest warrant.

 

Samantala, hindi naman na isasailalim sa pagdinig ng Muntinlupa RTC  ang inihaing motion to quash ng kampo ni De Lima kaugnay sa isa pang kasong kinakaharap nito may kaugnayan sa bilibid drug trade.

 

Sa halip na gawin ngayong araw, nagpasya si Judge Patria Manalastas De Leon ng Muntinlupa RTC na i-reset ang hearing sa motion to quash at itinakda sa March 3, 2017, alas 8:30 ng umaga.

 

Nahaharap si De Lima sa tatlong bilang ng kasong paglabag sa section 5 (sale) in relation to section 3, section 26 b at section 28 ng comprehensive dangerous drugs act of 2002.



Facebook Comments