Arrival curbside sa NAIA 1, bukas na sa lahat na pribadong sasakyan

Inanunsyo ng New NAIA Infra Corp. (NNIC) na bukas na sa lahat ng pribadong sasakyan ang main arrival curbside ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal.

Nangangahulugan ito na hindi lamang mga VIP ang maaaring makapasok sa arrival curbside ng NAIA 1, taliwas sa dating sistema.

Ayon sa NNIC, layon nito na maging madali sa kaanak ng mga pasahero ang pagsundo sa kanilang mahal sa buhay na dumadating sa NAIA 1.


Ang main arrival curbside ng NAIA 1 ay may 14 na designated loading bays — na A1 to A14, kung saan maaaring magsakay ng mga pasahero ang private vehicles.

Ang Bays A8 at A9 naman ay designated para sa persons with disabilities (PWDs), habang ang Bays A11 at A12 ay para sa VIP pickups.

Ang Bays A13 at A14 ay para sa hotel pickups.

Facebook Comments