Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na tumaas ng mahigit 40% ang international arrivals sa bansa.
Ito ay matapos ang pagbubukas ng borders ng Pilipinas sa mga international travelers nitong February 10.
Ayon sa BI, mas mataas ito ng 130% kaysa sa passenger arrivals noong February 2021.
Lumalabas din sa record ng BI na sa mahigit 211,000 na mga pasaherong dumating sa bansa nitong Pebrero, 154,661 dito ay mga Pilipino.
72% sa dumagsang international travelers ay returning Filipinos.
Habang Americans ang pinakamaraming pasaherong dumadating ngayon sa bansa, sumunod ang Canadians at mga British.
Facebook Comments