Arron Villaflor, adik sa dangerous sports

Sarap na sarap ang aktor na si Arron Villaflor sa dangerous sports.

Say ni Aaron, partikular na nahuhumaling siya sa sport na motorcross racing.

Sa sobrang enjoy pa aniya ay hindi na niya ininda ang panganib na dala nito.


Nabatid na dalawang beses na siyang nagtamo ng injury dahil sa nasabing sports pero tuloy na rin aniya ito.

Pero aminado si Aaron na hindi lahat ng bagay ay magtatagal kaya unti-unti na siyang nag-laylow at mas tinututukan ang kanyang trabaho.

Facebook Comments