ART EXHIBIT NG MGA ESTUDYANTE NG DAGUPAN CITY NATIONAL HIGH SCHOOL, ALAY PARA SA DEAF COMMUNITY

Ang mga Arts and Design students ng Dagupan City National High School ay kasalukuyang nagsasagawa ng Art Exhibit sa isang mall dito sa Dagupan City kung saan nakatuon ang tema nito para sa mga deaf people.

Pinamagatang Maarten Bangus: Esel (to reply), inspirasyon umano ng mga estudyante ang mga deaf community lalo na ang kanilang mga kamag-aral na mayroon ng kapansanang ito at kung paano sila nagkaroon ng ugnayan sa isa’t isa.

Kasabay pa rin sa selebrasyon ng National Arts Month ngayong Pebrero, nais ihayag ng mga young artists ang kanilang mensahe sa pamamagitan ng pagguhit at pagpinta.

Bawat artwork na naka display dito ay may hangarin na magparating ng mensahe nang hindi gumagamit ng boses o salita, dahil bawat guhit, kulay, at tekstura ng mga sining na ito ay naghahayag na ng isang saloobin.

Nagsimula ang Maarten Bangus: Esel exhibit na ito nitong Martes at magtatapos ngayong araw, February 27 kung saan isang closing program ang inihanda ng mga estudyanteng nanguna sa naturang exhibit. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments