Cauayan City – Binuksan sa publiko ang isang art gallery sa SM City Cauayan na nagpapakita ng iba’t ibang visual at graphic arts na likha ng mga estudyante at out-of-school youth mula sa iba’t ibang universidad at organisasyon sa Lungsod ng Cauayan.
Ang exhibit ay bahagi ng suporta ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children (VAWC).
Dinaluhan ito ng mga kinatawan mula sa Regional Gender and Development Committee member agencies, Local Government Units, State Universities and Colleges, at Civil Society Organizations.
Pinangunahan ang pagbubukas nina Cauayan City Administrator Czarah Jane Dy, NEDA Region 2 Head Secretariat James Rodrigo, at Atty. Cecilia Lazaro mula sa Commission on Human Rights (CHR) Region 2.
Layunin ng aktibidad na ipakita ang talento ng kabataan habang pinapalakas ang kamalayan at suporta laban sa karahasan sa kababaihan at kabataan.