Art Work sa Upper Session Road, Nasunog!

Baguio, Philippines – Marami ang nagulat at nalungkot na may kasamang galit.

Pinaghirapan ang art work na nakadisplay ngayon sa bandang itaas ng Session Road, pinagisipang mabuti ng artist kung paano mas magiging makabuluhan ang mga nakadesign sa nasabing display.

Pero kaninang alas-dos ng umaga, bigla na lang nagulat ang mga taga- Baguio nang makita nilang nasusunog ang art work. Base sa mga saksi, sinadya diumano na sunugin ito. Mabilis namang naapula ang sunog.


Matatandaan na umani ng batikos ang nasabing nakadisplay, may nagandahan pero mas marami ang hindi sumang-ayon.

Kasalukuyan pa rin ang imbestigasyon ng nasabing insidente.

Ikaw idol, nakita mo ba ang sunog kanina?


Facebook Comments