ARTA Dir. Gen. Jeremiah Belgica at 4 na opisyal nito, naghain ng counter affidavit at motion for reconsideration sa Ombudsman

Naghain ng counter affidavit at motion for reconsideration sina Anti-Red Tape Authority (ARTA) Dir. Gen. Jeremiah Belgica at 4 opisyal nito sa Office of the Ombudsman ngayong araw.

Kaugnay ito sa inilabas na suspension order ng Ombudsman na may petsang May 24, kung saan ipinasususpindi nito sina Belgica at apat pang opisyal nito ng anim na buwan dahil umano sa isyu ng korapsyon.

Sa ambush interview ng media, mariing sinabi ni Belgica na di sila korap sa ARTA at ginagawa lang nila ang kanilang trabaho.


Kasabay nito, naghain din sila ng motion for reconsideration upang iapela ang ipinataw na suspensyon sa kanila.

Nag-ugat ito sa reklamo ng isang telco firm, na inaakusahan nito ang limang opisyal ng ARTA na pumapabor at nagbibigay ng special treatment sa isang telco player upang mapili bilang bagong telco player sa bansa na isinagawa ng National Telecommunications Commission (NTC).

Tinawag ni Belgica na malisyoso ang paratang sa kanila dahil hindi naman sila ang pumirma ng automatic approval.

At di rin sila kasama sa pagdinig ng naturang reklamo kung kaya’t malayong maimpluwensyahan nila ang mga inilalabas na pasya ng NTC.

Facebook Comments