Umaasa ang mga miyembro ng Confederation of Truckers Association of the Philippines (CTAP) na magbubunga na ng magandang resulta ang ginagawa nilang truck holiday o truck rest day.
Ayon kay Mary Zapata ng CTAP, sa ikaapat na araw nilang ‘silent protest’ sa pamamagitan ng ‘Thank You Caravan’, kailangan na ang lahat ay magkaroon ng support system para sa ikagaganda ng trabaho sa mga pantalan.
Ngayong hapon ay magkaroon sila ng pagpupulong kasama ang ilang opisyal ng gobyerno na pangungunahan naman ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Department of Trade and Industry (DTI).
Kung sakali naman hindi naging maganda at paborable ang kanilang pagpupulong sa kanilang asosasyon ay kanila itong pag-iisipan at pagpaplanuhan nila ang kanilang second tranche para sa susunod na hakbang.
Dagdag pa ni Zapata, dadalo rin ang PPA sa nasabing pagpupulong at umaasa silang magkaroon ng magandang pagkakasunduan sa magkabilang panig.
Sinabi ni Zapata na kabilang sa kanilang sinulatan at hiningan ng tulong ay ang ARTA, DTI, PESA, PPA, at ilang goverment offices.