ARTA, magsusumite ng rekomendasyon sa COMELEC para makatulong sa voter registration

Magsusumite ng rekomendasyon sa Commission on Election (COMELEC) sa susunod na linggo ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) na makakatulong sa on-going voter registration.

Ayon kay ARTA Director General Secretary Jeremiah Belgica, makikipagtulungan ang ahensiya sa COMELEC para maalis ang red tape sa mga voter registration site.

Kahapon, nag-inspeksyon si Belgica sa ilang voter registration sites sa loob ng mga mall sa Metro Manila dahil sa ulat ng mahabang pila at cut-off schemes na ipinatutupad.


Nais ng ARTA na dapat magkaroon ng streamlining sa serbisyo ng COMELEC habang ang banta ng COVID-19 ay nanatili pa rin.

Umapela rin sa publiko ang kalihim na huwag nang hintayin ang “last minute” bago magparehistro bilang botante.

Facebook Comments