ARTA, nagbabala sa publiko laban sa mga fixer

Nagpaalala ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang publiko na huwag tangkilikin ang mga fixer na nag-aalok ng tiyak na slot.

Ito ay may kaugnayan sa pagbubukas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 5,000 slots o application para sa Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Giit ng ARTA – dapat sundin ang proseso ng pagpaparehistro online.


Ibig sabihin, hindi na kailangang pumila sa tanggapan ng LTFRB at wala na ring tatanggapin na walk-in transactions.

Babala pa ng ARTA na parurusahan ang sinumang mabibistong nagsisilbing fixer sa ginagawang transaksyon sa gobyerno.

Facebook Comments