ARTA, nagpalabas ng show cause order laban sa 2 opisyal ng PhilHealth

Nagpalabas ng show cause order ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) laban sa dalawang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ay matapos silang ireklamo ng pitong ospital sa Iloilo kaugnay sa overdue unpaid claims ng mga healthcare institution na umabot na sa mahigit P690.016 million.

Binigyan ng ARTA ng pitong araw para magpaliwanag sina Alfredo Pineda II, PhilHealth Area Vice President for Area 3, at Atty. Valerie Anne Hollero, PhilHealth Regional Director for Office 6.


Tiniyak naman ng ARTA na makakasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 11032 ang dalawang opisyal kapag hindi katanggap-tanggap ang kanilang paliwanag.

Kabilang sa mga nagreklamong ospital ang Iloilo Mission Hospital, St. Paul’s Hospital of Iloilo, Iloilo Doctors’ Hospital, Medicus Medical Center, The Medical City of Iloilo, Qualimed Hospital Iloilo, at ang Metro Iloilo Hospital and Medical Center Inc.

Facebook Comments