ARTA, sisilipin ang umano’y red tape sa pag-apruba sa mga vaccination venues

Umaksyon na ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa reklamo ng isang Dr. Samuel Ang mula sa Chinese General Hospital na nagrereklamo sa umano’y red tape sa paglalatag ng vaccination venues.

Ayon kay ARTA Director General Jeremiah Belgica, nakikipag-ugnayan na sila kay Dr. Ang at sa iba pang stakeholders upang alamin ang detalye ng kanilang naging karanasan.

Makikipag-ugnayan din ang ARTA kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez upang mapag-ukulan ng atensyon ang mga inefficiencies o ang pagtukoy sa mga proseso na dapat mapadali.


Mungkahi ni Belgica, dapat magtalaga ng green lane o one-stop-shop para sa sinumang nais ialok ang kanilang public at private hospitals bilang additional location para sa anti-COVID vaccination program.

Facebook Comments