Hinikayat ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang publiko na gamitin ang mga serbisyo ng gobyerno sa halip na makipagtransaksyon sa fixers.
Ayon kay ARTA Secretary Jeremiah Belgica, mababalewala ang mga repormang isinusulong ng gobyerno sa pagpapabilis at pagpapabuti ng mga serbisyo kung patuloy na tatangkilik ang taumbayan sa mga fixer.
Aniya, bawat isang indibidwal ay may tungkuling ginagampanan sa pagtugon sa mga problema sa lipunan.
Sabi pa ni Beljica, patuloy na gumagawa ng mga paraan ang gobyerno upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo sa pamamagitan ng pag-streamline, reengineering, at pag-automate sa kalaunan.
Facebook Comments