Arthritis drugs na baricitinib, lumabas sa pag-aaral na nakatutulong sa mabilis na paggaling ng mga taong tinamaan ng COVID-19

Lumabas sa mga pag-aaral ngayon na ang arthritis drugs na “baricitinib” ay tumutulong sa mabilis ng paggaling ng mga taong tinamaan ng COVID-19.

Batay sa inilabas na clinical trial results ng inilathala ng New England Journal of Medicine, ang kombinasyon ng anti-inflammatory drug na baricitinib at remdesivir ay nakakatulong para sa mabilis na paggaling ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ang pag-aaral na ito ay sinuportahan ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID), na parte ng National Institutes of Health


Nabatid na hindi inirekomenda ng World Health Organization ang paggamit ng remdesivir bilang gamot sa COVID-19 dahil sa kakulangan ng mga ebidensyang nagpapagaling ito.

Facebook Comments