Arthritis drugs na tocilizumab at sarilumab, mabisa kontra fatality dulot ng COVID-19

Lumabas sa isang pag-aaral na epektibo ang mga arthritis drugs na tocilizumab at sarilumab upang mabawasan ang posibleng pagkamatay at pangangailangan ng ventilators ng mga pasyente na nahawaan ng COVID-19.

Mula ito sa Journal of the American Medical Association na humikayat din sa World Health Organization (WHO) upang i-rekomenda ang nasabing mga gamot na kilala rin sa tawag na IL-6 inhibitors.

Ayon kay Manu Shankar-Hari, Professor mula sa King’s College London at lead author ng pag-aaral, idinadagdag ang mga gamot na ito sa corticosteroids na ibinibigay sa mga pasyente na nakakaranas ng severe o critical cases ng COVID-19.


Dahil dito, nababawasan aniya ng 17 percent ang posibleng pagkamatay habang 21 percent namang mapipigil ang mga pasyeteng gumamit ng ventilators.

Kadalasang ginagamit ang Tocilizumab at sarilumab upang gamutin ang rheumatoid arthritis, isang auto immune condition dulot ng epekto ng interleukin (IL)-6.

Isinagawa ang pag-aaral sa 10,930 pasyente kung saan 6,449 ang nakatanggap ng interleukin-6 inhibitors habang 4,481 ang normal na tumanggap ng placebo.

Facebook Comments