Nagsagawa ng artificial reefs deployment ang lokal na pamahalaan ng La Union para sa pagprotekta, pangangalaga at makapagbigay ng pagkakataon sa kabuhayan ng mga mangingisda sa kanilang lalawigan.
Isinagawa ito sa pamamagitan ng Provincial Government-Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO) at Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO) sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit.
Ang paglalagay ng mga artificial reef ay malaking tulong para makapagbigay ng supplementary stable substrate sa baog at hindi produktibong lugar para sa coral settlement at paglaki pati na rin ang supplemental habitat para sa mga reef fish at iba pang marine flora at fauna.
Ang mga nagawang artificial reef ay magsisilbing breeding ground ng mga isda at iba pang yamang dagat na siyang magpapalakas sa production ng isda na maaaring makapagbigay ng oportunidad sa kabuhayan at seguridad sa pagkain para sa kanilang mga kababayan.
Makakatulong din diumano ito sa kalagayang pang-ekonomiya ng lalawigan.
Suportado naman ng gobernador ng lalawigan ang proyekto dahil nagbibigay ito ng inclusive development para mapabuti ang kalidad ng buhay ng kanilang mga kababayan.
Mapapahusay din umano nito ang pagkakaiba-iba sa mga coastal area ng probinsya maging malapit sa kanilang vision na maging Puso ng Agri-turismo ang lalawigan sa Northern Luzon sa 2025. | ifmnews