ARTIFICIAL REEFS INILAGAY SA KARAGATANG BAHAGI NG LINGAYEN

Aabot sa apatnaput’ limang artificial reefs ang ibinigay sa LGU Lingayen na nakatakda namang ilagay sa bahagi ng karagatan sa bayan na sakop din ng Marine Protected Area.
Ayon kay Ms. Rosario Segundina Gaerlan, OIC Regional Director ng BFAR Region 1, makakatulong umano ito upang madagdagan ang lugar kung saan maaaring mangitlog at magparami ang mga isda at upang mapaganda ang marine ecosystem ng bayan.
Aniya, layunin din ng mga ilalagay na istraktura na mapayabong ang marine life at magpapaganda sa hanapbuhay ng mga lokal na mangingisda.

Samantala, inilunsad at pinasinayaan din ang lingayen fish sanctuary sa bayan na makakatulong upang muling mabuhay ang turismo sa bayan. | ifmnews
Facebook Comments