Manila, Philippines – Inamin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nagkakaroon na ng artificial shortage o kakulangan ng umiikot na barya sa bansa.
Ayon kay Grace Malic, deputy director ng BSP, sapat ang suplay ng barya sa bansa pero nagkakaroon ng artificial shortage dahil natetengga lang sa mga alkansiya, vending machines, o kaya ay nakatago sa mga bahay at opisina.
Marami rin umanong naiipon sa mga donation can na madalang naman anilang kuhanin ng mga charitable institutions.
Sina rin ni malic na may problema rin maging ang mga grupo ng supermarket sa suplay ng barya lalo na ang P5, P10, at maging P20 bill.
Facebook Comments