Artipisyal na white sand sa Manila Bay magagamit na ng publiko hanggang bukas

Pansamantalang bubuksan sa publiko bilang pasyalan ang dagat na may white sand sa Manila Bay.

Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, kapag natapos na ang malaking event mamaya na International Coastal Cleanup Day, pansamantalang bubuksan sa publiko ang Baywalk na may puting buhangin hanggang ala-6:00 ng gabi.

Kinabukasan ng Linggo, muli ulit itong bubuksan para sa publiko at isasara ng alas-6:00 ng gabi.


Matapos nito isasara na ulit ito para ituloy na at hanggang matapos ang proyekto.

Ngayong araw, magsasagawa ng coastal cleanup drive sa buong mundo.

Dahil dito, magsasagawa ng sabay-sabay na paglilinis sa Manila Bay hanggang sa Cavite at iba pang lugar sa bansa.

Sarado ang southbound lane ng Roxas Blvd. mula Manila Hotel hanggang Quirino Avenue kasabay ng nasabing aktibidad.

Facebook Comments