Artist Sketch Sa Davao Bombing, Inilabas Na Ng Pnp

7

DAVAO CITY – Nilabas na ng Philippine National Police ang composite sketch ng isa sa mga pangunahing suspek sa naganap na Davao City bombing nitong Biyernes.Ayon kay Pnp Region 11 Director, Chief Superintendent Manuel Gaerlan, ang lalaki ay nakasuot ng itim na face mask at bonnet, chinito, tinatayang nasa 30-anyos, may tangkad na 5’8’’, at payat ang pangangatawan.Nagawa pa aniya magpamasahe ng suspek sa lugar at siya ang itinuturong nag-iwan ng bag na naglalaman ng Improvised Explosive Device.Sa interview naman ng RMN kay Southern Mindanao Police District, Public Information Officer, Chief Inspector Andrea dela Cerna, inaalam na rin kung kasama ng lalaking suspek ang dalawang babae na kabilang sa apat na persons-of-interest.Nilinaw din ni dela Cerna, na hindi lang apat na tao kabilang ang lalaking suspek ang posibleng nasa likod ng pagpapasabog.Sa ngayon, maingat sila sa paglalabas ng impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Facebook Comments