ASAHAN NA | Presyo ng paputok, tataas habang papalapit ang Bagong Taon

Manila, Philippines – Ibinabala ng mga nagtitinda ng paputok sa Bocaue, Bulacan ang P50-P100 pagtaas sa presyo ng paputok habang papalapit ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa ilang tindera, mas mainam na bumili na ngayon o hanggang bukas dahil medyo mababa pa ang presyo ng mga paputok.

Sa a-30 kasi lalo na sa a-31 inaasahang tataas pa ang presyo ng mga paputok.


Katwiran nila, bumabawi din ang mga negosyante dahil sa pinaiiral na Executive Order no.28 kung saan mayroon nang limitasyon o designated areas kung saan lamang pwedeng magpaputok.

Kapansin-pansin naman na wala nang mga malalakas na paputok ang naka display sa mga estante ng tindahan ng paputok.
Mayroon ding mga flyers na ipinamamahagi ang lokal na pamahalaan upang bigyang impormasyon ang publiko sa mga maaari lamang nilang bilhin na mga pailaw tulad ng roman candle luces, sparklers, fountain, trompillo, airwolf, whistle device at butterfly dahil hindi ito saklaw sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng EO 28.

Sa ngayon, P10 ang pinaka murang pailaw at umaabot naman sa P16,000 ang pinaka mahal na ginagamit sa mga fireworks display.

Facebook Comments