ASAHAN | Presyo ng alak, lalo pang tataas!

Manila, Philippines – Asahan na ang lalo pang pagtaas ng presyo ng alak.

Sa hearing ng House Committee on Way and Means sa pangunguna ni nueva ecija rep. estrellita suansing, napagkasunduan ng komite na pagsamahin ang dalawang panukalang batas nina Deputy Speaker Sharon Garin at Sultan Kudarat 2nd District Rep. Horacio Suansing hinggil sa planong taasan ang liquor tax.

Anila, dapat pang itaas ang buwis sa alak gaya noong 2012 bilang bahagi ng sin tax law.


Layon umano nito na itaas ang kita ng gobyerno at bawasan ang alcohol consumption, pero hanggang ngayon at marami pa rin ang bumibili at umiinom ng alak.

Kapag nagpataw ng mas mataas na buwis sa alak, karagdagang 194 billion pesos ang magiging kita ng gobyerno na magagamit para palawakin pang universal health insurance program ng gobyerno.

Facebook Comments