ASAHANG TATAAS | Presyo ng sigarilyo, mas tataas sa oras na maipatupad ang Universal Health Care Law

Manila, Philippines – Asahan na ang mas mataas na presyo ng mga tobacco products, sa oras na maipasa na ang Universal Health Care Law.

Ito ay ayon kay Health Secretary Francisco Duque III dahil malaking porsyon sa pondo na gagamitin sa Universal Health Care Law ay magmumula sa mataas na revenue collection mula sa sin taxes.

Ayon sa kalihim, win-win solution ito, dahil bukod sa malaking tulong ang access to healthcare na ito para sa mga mahihirap na Pilipino, ay mapapababa rin nito ang bilang ng mga gumagamit ng sigarilyo, at bilang ng mga pasyenteng nagkakasakit dahil sa paninigarilyo.


Sa ilalim ng Universal health care bill, titiyakin na lahat ng mga Pilipino ay naka enroll at covered na ng Philhealth.

Facebook Comments