Nagpositibo sa COVID-19 ang asawa ng 38 anyos na babaeng unang nakumpirma kahapon bilang positibo sa mas nakakahawang Omicron variant.
Ayon kay Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay nagpapagaling sa isolation facility ang mister ng nasabing pasyente habang isasailalim sa genome sequencing ang samples nito.
Ang ika-apat na kaso ng Omicron sa bansa ay dumating noong Disyembre 10 mula Estados Unidos sa pamamagitan ng Philippine Airlines flight PR 127.
Samantala, asymptomatic naman ang babaeng pasyente na nagpapagaling sa kanilang bahay at sasailalim muli sa swab test ngayong araw.
Sa kabila ng mga naitalang imported Omicron cases, sinabi ni vergeire na hindi maaaring magsara ng border ang Pilipinas.
Sa halip, iminungkahi ng Opisyal na higpitan pa ang border control sa harap ng banta ng Omicron Variant