Tuesday, February 3, 2026

Asawa ng pinaslang na policewoman, hindi nakitaan ng remorse ayon kay SILG Remulla

Sa pulong-balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni Secretary of the Interior and Local Government Jonvic Remulla na hindi nakitaan ng remorse o pagdadalamhati si PSMS John Mollenido sa pagkamatay ng kanyang asawang policewoman at walong taong gulang na anak na parehong pinaslang.

Ayon kay Remulla, sa halip na isailalim sa autopsy, agad umanong pina-cremate ang bangkay ng nasawing policewoman.

Dagdag pa ng SILG, hindi man lamang umiyak o nagpakita ng kalungkutan si Mollenido sa kabila ng sinapit ng kanyang asawa at anak.

Batay sa ulat, tatlong taon nang hiwalay sina Diane Marie Mollenido at John Mollenido bago naganap ang krimen.

Kaugnay nito, nasa restrictive custody na ng pulisya si John Mollenido habang patuloy na inaalam ang posibleng partisipasyon nito sa krimen.

Patuloy naman ang case build-up sa insidente na itinuturing na rin ng mga awtoridad bilang case closed.

Facebook Comments