Manila, Philippines – Isinailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ) ang asawa ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na si Patricia Paz Bautista.
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, nakakatanggap na ng banta sa buhay si Patricia matapos ibunyag ang tagong yaman ng asawa na aabot sa P1 billion.
Aniya, handa rin maging state witness si Patricia sa mga alegasyon laban sa kanyang mister.
Pero paglilinaw ni Aguirre, isasailalim lang muna sa Provisional Witness Protection Program si Patricia dahil kailangan pa niyang magsumite ng mga dokumento na kakailanganin para sa full coverage ng programa.
Facebook Comments