Asawa ni Doc Willie na si Dra. Liza Ong, nanumpa sa Aksyon Demokratiko bago ang pagsisimula ng COC filing

Nanumpa bilang miyembro ng partidong Aksyon Demokratiko ang asawa ni Doc Willie Ong na si Dra. Liza Ong.

Ngayong hapon nang ganapin ang oath taking sa isang hotel sa Malate, Maynila na pinangunahan ni dating Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang party president.

Bago niyan, inanunsiyo ng dating vice presidential candidate na tatakbo siya sa pagkasenador para sa 2025 midterm elections.


Ihahain ang kaniyang Certificate of Candidacy sa Miyerkules, October 2 sa pamamagitan ng asawang si Doc Liza.

Sa kasalukuyan, patuloy ang gamutan kay Doc Willie sa Singapore dahil sa kaniyang sakit na Sarcoma.

Facebook Comments