Asawa ni Harry Roque na si Mylah Roque, nasa Singapore na – BI

Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa ang asawa ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na si Mylah Roque.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na inilabas nila ng Immigration Lookout Bulletin laban kay Mylah Roque noong September 16.

Batay sa kanilang record ay nasa Singapore na ito noong September 3.


Samantala, sinabi ni Sandoval na wala namang record ng paglabas ng bansa si Harry Roque.

Mayroon aniya silang inilabas na Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Roque noon pang August 6.

Matatandaang na ipinaa-aresto ng Kamara si Ginang Roque dahil sa hindi pagsipot sa pagdinig kaugnay ng isyu sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), habang una nang sinabi ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na nasa Singapore na ito.

Facebook Comments