Asawa ni Omar Khayam Maute, naaresto sa Iligan City

Manila, Philippines – Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar ang asawa ng nasawing terorista na si Omar Khayam Maute sa Tubod Iligan City kaninang umaga.

Kinilala ang asawa ng terorista na si Minhati Madrais alyas baby isang Indonesian National.

Ayon kay PNP Region 10 Director Police Chief Supt Tim Pacleb alas-9:30 ng umaga kanina nang ikasa ng mga tauhan ng Joint Task Force Ranao at pulisya ang operasyon na nagresulta ng pagkakaaresto ni alyas baby sa mismong bahay nito sa 8017 Steele Makers Village, Tubod Iligan City.


Kasama ni Alyas baby sa kanilang bahay nang abutan ng mga awtoridad ang kanyang anim na anak, apat na babae at dalawang lalaki.

Si Minhati Madrais ay kabilang sa Arrest, Search, and Seizure Order 1. (ASSO 1).

Nakuha sa bahay ni Madrais ang apat na blasting Cap, dalawang detonating Cord at isany time fuse.

Nakuha rin sa suspek ang isang expired Indonesian passport.

Facebook Comments