Ang nangyayaring asawahan umano ng mga menor de edad sa Socorro Bayanihan Services Inc., (SBSI) sa Surigao ang malaking problema na tinututukan ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa media briefing, sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, mistulang nakondisyon na ang utak ng mga tao doon na karaniwan lamang at normal lamang ang mag asawa kahit na sila ay minors.
Batay sa ulat, mayroong 21 couple na nakatira sa lugar at may isang ina na 23-anyos na may tatlong anak na.
Sa ngayon anIya ay may mga naitalagang phychologist ang DSWD doon para magsagawa ng debriefing sa mga residente roon.
Patuloy rin aniya ang pagkakaloob ng ahensiya ng mga kaukulang tulong sa mga residente tulad ng mga pagkain at iba’t ibang interventions sa lugar.
Sinabi ni Gatchalian na sa ngayon ay hindi pa nila iniisip na mailipat sa ibang lugar ang nasa 3,000 residente sa Socorro dahil baka makaapekto pa ito sa ngayon sa kanilang nakasanayang buhay.