ASEAN 2017 Director General Marciano Paynor, kumpiyansang kayang dalhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang sarili

Manila, Philippines – Kumpiyansa si ASEAN 2017 Director General for Operations at Presidential Protocol Office Chief Ambassador Marciano Paynor na kayang dalhin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang sarili.

Ito’y ayon kay Paynor ay kung paano haharapin ni Pangulong Duterte ang mga heads of state gayundin ang mga delegado ng ASEAN member countries.

Kahapon, binigyan ng briefing ng ASEAN Organizing Council ang Pangulo hinggil sa mga dapat gawin at kung anu-anong mga aktibidad ang kaniyang dadaluhan.


Kasunod nito, ipinauubaya na ni Ambassador Paynor sa Pangulo ang usapin ng pananamit dahil batid naman nito ang mga akmang kasuotan sa bawat okasyon.

Batay aniya sa mga nakalipas na pagharap ni Pangulong Duterte sa mga world leaders, maayos at nakasunod naman ang Punong Ehekutibo sa mga itinakdang kasuotan na bumabagay sa okasyon.
DZXL558

Facebook Comments