ASEAN BASKETBALL LEAGUE | Alab Pilipinas, nakauna sa best of three quarterfinal series nito kontra sa Saigon Heat sa

Manila, Philippines – Umiskor ng 24 puntos si Ray Parks para dalhin ang San Miguel Alab Pilipinas sa 110-100 na panalo kontra Saigon Heat sa pagsisimula ng kanilang best of three quarterfinals series sa ASEAN Basketball League o ABL sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Nag-ambag naman ng 22 points, 11 rebounds at eight assists si Justin Brownlee para sa Alab na hindi pa natatalo sa Heat ngayong season.

May 17 points at 20 rebounds naman si Renaldo Balkman para sa Pinoy squad.


Lilipad ang Alab Pilipinas patungong Ho Chi Minh City sa Sabado para tapusin na ang serye at makapasok sa semis kung saan naghihintay sa kanila ang Eastern of Hong Kong na pinangungunahan naman ni PBA top pick Christian Stanhardinger.

Facebook Comments