ASEAN BASKETBALL LEAGUE | Alab Pilipinas, panalo kontra Hong Kong sa game 1 ng semis

ALAB – Panalo sa game 1 ng best of three semifinals series ng ASEAN Basketball League ang Alab Pilpinas kontra Hong Kong Eastern.

Tinalo ng Alab ang Hong Kong sa homecourt nito sa score na 98-94 kung saan nagtala ng playoff record ang import na si Renaldo Balkman na may 46-points.

Nag-ambag ng 23-points si Ray Parks Jr. habang 16-points at 12 rebounds naman si Justine Brownlee.


Mapapanood naman ang game 2 sa Linggo (April 15) sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.

Facebook Comments