Manila, Philippines – Inihain ngayon ni Senator Antonio Trillanes IV ang Senate Resolution Number 735 na nag-aatas sa senado na imbestigahan ang umano ay maanumalyang paggastos ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
Kaugnay ito sa isinagawang information caravan para sa chairmanship ng bansa sa association of Southeast Asian Nation (ASEAN) noong 2017.
Basehan ng hakbang ni Trillanes, ang report ng Commission on Audit (COA) na nagsasabing umabot sa 647.11 million pesos ang halagang ginugol dito ng PCOO.
Sa panayam ay binanggit ni Trillanes na nais din niyang mabusisi sa gagawing pagdinig kung paano ginastos ng PCOO ang kabuuuang 1.4 billion pesos na confidential fund nito.
May impormasyon kasi si Trillanes na nang nasabing salapi ay ginastos sa mga trolls.