Isa sa magiging pinaka-importanteng paksa sa gaganaping 44th at 45th ASEAN Summit sa Lao ang nagpapatuloy na tensyon sa Gaza.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Department of Foreign Affairs o DFA Asec. Daniel Espiritu na bubuo ng nagkakaisang tindig ang ASEAN countries kabilang ang Pilipinas, kaugnay ng digmaan sa pagitan ng Israel at mga militanteng grupo.
May negosasyon na aniya tungkol sa joint statement ng ASEAN at magiging bahagi rin aniya ito ng ASEAN foreign ministers meeting.
Matatandaang apektado na rin ng lumalawak na Israel-Palestine conflict ang Overseas Filipino Workers sa Israel, Lebanon, at iba pang kalapit na bansa.
May mga Pilipinong tripulante na rin ang binihag ng Houthi rebels sa Red Sea bilang ganti sa opensiba ng Israel sa Gaza.