Manila, Philippines – Sa layuning matiyak ang seguridad ng ating bansa, maging ang halos 2 libong delegasyon ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) ay dumaan din sa mahigpit na screening ng Bureau of Immigration.
Ayon kay immigration spokesperson Ma. Antonette Mangrobang, siniguro nilang walang derogatory records ang mga delegado ng ASEAN.
Sinabi pa nito na nais lamang nilang matiyak na ang pagdating ng mga foreigners ay hindi masasabayan ng mga banyagang may masamang plano sa bansa.
Kamakailan, matatandaang naaresto ng pinagsanib pwersa ng B-I, PNP, at AFP ang mag-asawang pinaniniwalaang miyembro ng teroristang grupong ISIS.
Pero paliwanag ni Mangrobang sa advance screening o background check na isinagawa ng B-I sa mga foreign delegates wala ni isa sa mga ito ang mayroong derogatory records.
Kinukunsidera ang isang foreign national na mayroong derogatory record kung ito ay isang terror suspect, mayroong criminal record at isang pugante.