Monday, January 26, 2026

ASEAN Foreign Ministers, malayang talakayin sa mga pagpupulong ang isyu sa WPS

Malaya ang ASEAN Foreign Ministers na talakayin sa kanilang mga pagpupulong ang isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay ASEAN Spokesperson Assistant Secretary Dax Imperial, ang ASEAN Ministerial Meeting Retreat ay nakatuon sa regional at global concerns.

Sinabi ni Imperial na ang retreat ay closed-door meeting, kung saan magkakaroon ng candid discussions.

Sa ganitong paraan aniya, ang mga ministro ay malayang magtalakay ng ano mang isyu kabilang na ang West Philippine Sea.

Ito ay sa harap na rin ng nagpapatuloy na tensyon sa rehiyon sa harap ng pag-angkin ng China sa malaking bahagi ng nasabing karagatan.

Facebook Comments