Manila, Philippines – Nagpaabot ng pangamba ang ASEAN Foreign Ministers sa paglala ng sitwasyon sa Korean Peninsula matapos ang pinakabagong intercontinental ballistic missile testing ng North Korea nitong nakaraang July 28, 2017 at dalawang nuclear test noong nakaraang taon.
Batay sa inilabas na Statement ng Foreign ministers matapos ang pulong ng mga ito sa Pasay City, ang ginagawa ng North Korea ay isang seryosong banta sa kapayapaan, seguridad at istabilidad sa rehiyon at maging sa buong Mundo.
Kaya naman mariing umapela ang ASEAN foreign ministers sa North Korea na agad na sumunod sa kanilang obligasyon sa ilalim ng mga nakasaad sa United Nations Security Council Resolutions.
Suportado naman ng ASEAN Ministers ang Denuclearization ng Korean Peninsula sa mapayapaang paraan upang makaroon ng pagkakataon na magsagawa ng dayalogo para mapababa ang tension sa rehiyon.
Sinabi din ng Foreign Ministers na suportado at handang tumulong ng ASEAN sa pagpapaganda ng Inter-Korean relations para magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Korean Peninsula.
Umapela din ang ASEAN sa North Korea na bilang bahagi ng ASEAN Regional Forum ay makipagtulungan sa pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan, istabilidad, pagkakaibigan at pagasenso sa Asia Pacific Retion kung saan lahat ng bansa ay nagtitiwala sa isa’t-isa para magkaroon ng mas magandang buhay ang lahat sa buong rehiyon.
ASEAN Foreign Ministers, umapela sa North Korea na pababain ang tension sa Korean Peninsula sa pamamagitan ng denuclearization
Facebook Comments