Manila, Philippines – Hiniling ni dating Pangulong Gloria Arroyo sa mga bansa sa ASEAN na mamuhunan sa edukasyon at research and development.
Pinangunahan ni CGMA ang ASEAN Business and Investment Summit ngayong araw kung saan umaasa siya na pagsapit ng 2025 ay nasa “full integration“ na ang mga bansa sa ASEAN.
Bilang isang magaling na ekonomista, inirekomenda nito na mag-invest ang mga ASEAN countries sa education, credit, research and development at sa teknolohiya para sa lalo pang ikauunlad ng mga bansa.
Maaari aniyang maging `major economic force` ang ASEAN region sa susunod pang mga taon dahil sa stability at pagkakasundo na ipinamamalas ng mga bansa sa ASEAN.
Inirekomenda naman ni Arroyo sa Pilipinas ang higit na pagaaral at pag-invest sa agrikultura dahil naririto ang yaman ng bansa.
Hiniling din nito sa mga SMEs (small and medium enterprises) na i-introduce at turuan sa paggamit ng teknolohiya ang mga maliliit na negosyante para makasabay din ang mga ito sa pag-unlad.