ASEAN-INDIA COMMEMORATIVE SUMMIT | Pangulong Duterte, biyaheng India na

Manila, Philippines – Lumipad na papuntang India si Pangulong Rodrigo Duterte para dumalo sa ASEAN-India Commemorative Summit at sa selebrasyon ng Indian Republic Day.

Sa kanyang departure speech sa naia kanina, sinabi ng Pangulo na kailangan niyang makausap ang mga ASEAN leaders para talakayin ang ilang isyu gaya ng terorismo at piracy sa mga karagatan sa timog na bahagi ng bansa.

Kung siya nga raw ang tatanungin, papatayin at bobombahin niya ang mga terorista oras na mamataan ng Armed Forces sa bansa.


Samantala, hinikayat naman ni Duterte ang Kuwaiti Government na gumawa ng aksyon kaugnay sa pang-aabuso sa mga OFW.

Banta niya, kapag nakarinig pa siya ng pang-aabuso sa mga Pinoy roon ay tuluyan niyang ipatutupad ang total ban ng mga OFW sa Kuwait.

Kahit malaking tulong aniya ang Kuwait sa pagbibigay ng trabaho, hindi pa rin niya ipagpapalit ang dignidad ng mga Pilipino.

Facebook Comments