ASEAN – INDIA COMMEMORATIVE SUMMIT | Pangulong Rodrigo Duterte, nasa India

Manila, Philippines – Dumating na sa India si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang three-day visit.

Alas- 8:30 ng Miyerkules ng gabi, oras sa Pilipinas, nang dumating si Pangulong Duterte sa New Delhi lulan ng PAL flight PR001.

Nakatakdang dumalo ang pangulo sa 25th anniversary ng ASEAN – India relations bilang guest of honor kasama ang iba pang ASEAN leader at republic day ng host nation.


Makikipagkita rin si Duterte kay Indian Prime Minister Narendra Modi sa Hyderabad house at sasaksihan ang palitan ng memoranda of understanding sa pagitan ng Pilipinas at India.

Magbabalik bansa naman ang pangulo sa Sabado, Enero 27.

Facebook Comments