ASEAN LEADERS SUMMIT | PRRD, patungo ng Singapore ngayong araw

Manila, Philippines – Inaasahang sasakay si Pangulong Rodrigo Duterte sa chartered flight sa pagtungo nito sa Singapore ngayong araw.

Ito ay dahil sa pagdalo ng pangulo sa 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders Summit mula November 12 hanggang 15.

Kasama lamang ng Pangulo ang ilan sa kanyang miyembro ng gabinete gaya nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr.


Mula Singapore, gagamit naman ng private jet ang Pangulo papuntang Papua New Guinea para sa Asian-Pacific Economic Cooperation Conference mula November 16 hanggang 18.

Inaasahang makakabalik ng Pilipinas ang Pangulo sa Linggo ng gabi.

Facebook Comments